Holdaper patay sa taumbayan
February 11, 2006 | 12:00am
Patay ang isang kilabot na holdaper matapos barilin ng isa sa mga humabol sa kanyang taumbayan makaraang holdapin nito ang isang pampasaherong jeep sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Nasawi sa loob ng Gat. Andres Bonifacio hospital ang holdaper na hindi pa nakikilala. May tattoo na "Bongbong Tamil" sa kanyang kaliwang kamay ang nasawi, payat at tinatayang nasa edad na 35-anyos pataas.
Hindi naman natukoy kung sino ang bumaril dito dahil sa rami ng taumbayan na humabol at pumupog dito.
Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon nang maganap ang pamamaril sa holdaper sa may CM Recto, Tondo, Manila.
Nabatid na matapos na mangholdap ng suspect ay nagawa itong habulin ng taumbayan at saka pinagtulung-tulungang bugbugin at isa nga rito ang namaril. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest