20-anyos dinukot, hinalay ng 5
February 10, 2006 | 12:00am
Halos walang ulirat nang matagpuan kahapon ng madaling-araw ang isang 20-anyos na babae makaraang dukutin umano ito ng limang adik na kalalakihan na halinhinang gumahasa rito sa loob ng tatlong araw sa Marikina City.
Sa sinumpaang salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Rose, service crew sa isang sikat na fastfood chain sa isang mall sa Mandaluyong City, papauwi na siya noong nakaraang Lunes sa kanilang bahay sa Pateros buhat sa trabaho nang harangin siya ng limang kabataan na lulan sa tatlong motorsiklo.
Sapilitan umano siyang dinala sa isang bodega ng bigas na hindi niya alam kung anong lugar at doon ay pinatira siya ng shabu kasama ang mga suspect at pagkatapos ay halinhinang ginahasa.
Paulit-ulit umano ang ginawa sa kanyang pang-aabuso at tuwing gagamitin siya ng mga ito ay tumitira muna sila ng shabu. Tumagal ito sa loob ng tatlong araw.
Dagdag pa ng biktima na dakong alas-3:45 kahapon ng madaling-araw ay isinakay siya ng dalawa sa mga suspect sa motorsiklo at ibinaba sa kahabaan ng Marcos Hi-way na sakop ng lungsod ng Marikina at doon mabilis na siyang tumakas. Isang babae ang nagmalasakit na dalhin siya sa himpilan ng pulisya. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended