QC massacre: 3 dedo
February 10, 2006 | 12:00am
Tatlo katao ang nasawi kabilang ang isang 7-buwang sanggol matapos na pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang mga suspect, kahapon ng umaga sa Fairview, Quezon City.
Kinilala ni Supt. Filipinas Francisco-Papa, hepe ng Quezon City-Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga biktima na sina Narcisa Elpidez, 65, biyuda, retired teacher; ang anak na si Jona Borja, 32; at apong si Juliana, 7-buwan, ng Blk. 213, Lot 21 Yuan St. Phase 8, North Fairview, Quezon City.
Isang saksak sa dibdib ang tinamo ng sanggol, siyam na saksak naman ang tinamo ng kanyang inang si Jona, habang si Narcisa na nagtamo rin ng mga saksak sa katawan ay binigti pa ng telephone cord na itinali sa may bintana.
Isinasailalim naman sa tactical interrogation ng QCPD-Criminal Investigation Division (CID) ang mister ni Jona na si Nelson, 32, dating security officer. Ayon sa pulisya inconsistent ang ilang pahayag ni Nelson hinggil sa insidente.
Pinag-aaralan din ng mga awtoridad ang pahayag ni Nelson na hinawakan niya ang kutsilyo sa pag-aakalang nasa taas pa ang mga suspect.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na naganap ang insidente sa pagitan ng alas-8 hanggang alas-11:30 ng gabi sa bahay ni Narcisa.
Sa pahayag ni Nelson, nagpaalam sa kanya ang kanyang asawa na si Jona na pupunta sa bahay ng inang si Narcisa upang pag-usapan ang hinihiram niyang placement fee.
Dakong alas-12:20 nang makatanggap siya ng tawag na duguan ang kanyang mag-iina. Agad siyang nagtungo sa bahay ng kanyang biyenan at tinangka niyang sagipin ang kanyang anak subalit patay na ito.
Naniniwala ang mga imbestigador na posibleng malapit sa mag-anak ang suspect sa masaker dahil lumilitaw na wala umanong "forcible entry" na nakita sa crime scene.
Gayunman sinisilip pa rin ng pulisya ang anggulong robbery.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest