1 pang chop-chop ikinalat sa QC
February 9, 2006 | 12:00am
Hindi pa man lubusang nakikilala ang lahat ng naging biktima ng "chop-chop" kamakailan sa lungsod Quezon, muli na namang ginulantang ng pinagputul-putol na bahagi ng katawan ng tao ang mga residente sa ibat ibang lugar dito kahapon.
Dakong ala-1 ng madaling araw unang namataan ng negosyanteng si Sonia Bulusan, 55, ang isang kanang kamay ng lalaki sa harap ng bahay nito sa Brgy. Marilag, Project 4, Quezon City. Nakasilid pa ito sa itim na garbage bag.
Kalahating oras naman ang lumipas nang matagpuan ang isang kanang hita sa General Avenue sa Brgy. Tandang Sora ng nasabi ring lungsod.
Halos kasabay naman nito ang pagkakatagpo sa isang torso ng lalaki sa may Katipunan Avenue, Brgy. UP Campus, Diliman, Quezon City.
Dakong alas-3:45 ng umaga habang nagkakarga naman ng mga basura sa may Selecta Drive malapit sa A. Bonifacio Avenue sa La Loma ay biglang nahulog ang isang kaliwang hita na natagpuan ng garbage collector na si Jay-Ar Abrera.
Bandang alas-7 ng umaga, natagpuan din ang isang kaliwang kamay sa St. Charbell Subdivision sa Mindanao Avenue sa Tandang Sora na may nakasulat pang "Magnanakaw ng metro ng tubig, huwag pamarisan."
Lumalabas din sa pagsisiyasat na dinikit sa mga pinagbalutang plastic sa putul-putol na katawan ng biktima ang mga katagang "Babala sa mga carnappers, carjackers, holdaper, snatchers, mandurukot, lumaya kayo sa Kyusi habang may oras pa kayo" QC vigilantes. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended