^

Metro

Trust fund sa love child ni Pacquiao hirit

- Nina Doris Franche at Angie Dela Cruz -
Igigiit ng dating lover ng World Boxing Champion na si Manny "Pacman" Pacquiao na si Joanna Rose Bacosa ang pagbibigay ng trust fund para sa anak nilang si Emmanuel Joseph Pacquiao upang mabigyan ito ng magandang kinabukasan.

Kasabay din nito pormal na nagsampa ng kaso sa Quezon City Prosecutors Office si Joanna laban kay Pacquiao sa paglabag sa Anti-Violence Againts Women and Children Act 9262 upang maitama ang sustentong nararapat tanggapin ng una mula sa boksingero.

Ayon kay Atty. Victor Rodriguez, legal counsel ni Joanna pabor sila sa paglalaan ng trust fund para sa bata subalit wala silang hinihinging halaga kasabay ng pagsisinungaling na P15 milyon ang kanilang hiling sa kampo ng boksingero.

Aniya, kailangan din munang kuwentahin ang lahat ng mga gastos hanggang sa marating ng bata ang edad na 21 at makatapos ng pag-aaral upang matiyak ang kinabukasan nito.

Kasabay nito, sinabi ni Rodriguez na handa silang isailalim sa DNA test ang anak nina Joanna at Pacman subalit kailangan na magkasabay ang pagkuha ng sample upang maiwasan ang pagdududa ng magkabilang panig.

Ito’y bilang reaksyon naman sa pahayag ni Pacquiao na nagkarelasyon nga niya si Joanna subalit ito ay maituturing na "one night stand" kung kaya’t mayroon siyang kaunting pagdududa.

Isinalaysay ni Joanna ang simula ng kanilang pagkakakilala ni Pacquaio sa Pan Pacific Hotel sa Malate, Maynila kung saan isa siyang spotter sa bilyaran na dito naglalaro ang boksingero noong 2004.

Batay sa kanyang testimonya naging maayos naman ang kanilang relasyon hanggang sa dumating ang panahon na hindi na tinutugon ni Pacquaio ang kanyang mga tawag at text.

Dumulog siya kay Atty. Rodriguez at nalaman ni Pacquaio na ikinagalit nito.

Ito na rin ang pagkakataon na pinagbantaan at sinabihan siya ni Pacquiao na "gusto mo kidnapin ko yang bata para wala kang ebidensiya." Dito na umano nakaramdam ng takot si Joanna. Huli na silang nagkausap ni Pacquaio noong Nobyembre 2005.

Pagkatapos ng huling laban ni Pacman sa Las Vegas ay tinawagan umano siya ni Jingky, misis ng una at sinabing bibigyan siya ng halagang P100,000 upang manahimik.

Nakiusap si Joanna na kung maaari ay dagdagan ito ng kaunti ngunit hindi umano pumayag si Jingky at sa halip ay sinabihan siya nito na "bahala ka sa buhay mo".

Nilinaw ni Joanna na hindi niya hinaharas o bina-blackmail si Pacquiao subalit nais lamang niya ang nararapat para sa kanyang anak.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Atty. Wacky Salud, abogado ni Pacquiao na wala namang problema kung tungkol lamang sa sustento ang habol ni Joanna.

Anya, alam mismo ng asawa ni Pacman na si Jinky ang tungkol sa anak ng kanyang mister kay Joanna.

"Kung ibang tao nga natutulungan ni Manny, yun pa kayang kapamilya niya at si Jinky pa nga ang nagbibigay ng pera kay Joanna," pahayag pa ni Salud.

Si Joanna at Pacquaio ay nagkakilala noong 2004 sa bilyaran ng Pan Pacific Hotel sa Malate, Maynila. Spotter si Joanna sa bilyaran na pinaglalaruan ni Manny. Nagkaroon ng ugnayan at nagbunga ito nang isilang ni Joanna ang anak na si Emmanuel Joseph Pacquaio noong Enero 2004.

ANTI-VIOLENCE AGAINTS WOMEN AND CHILDREN ACT

EMMANUEL JOSEPH PACQUAIO

EMMANUEL JOSEPH PACQUIAO

JOANNA

PACMAN

PACQUAIO

PACQUIAO

PAN PACIFIC HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with