Dinky Soliman hindi nagpasok ng plea
February 8, 2006 | 12:00am
Tumangging magpasok ng plea sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) si dating Social Welfare Secretary Corazon Dinky Soliman sa ginawang pagbasa ng demanda sa kanya kaugnay ng P20 milyong libel suit na isinampa ni Alagad Partylist Rep. Rodante Marcoleta.
Sa kanyang panig sinabi ni Atty. Marivic Leonen, abogado ni Soliman na dapat munang aksiyunan ni QC RTC Judge Rosanna Romero Maglaya ang naisampa nilang motion to quash kaugnay ng kaso.
Binigyan naman ni Judge Maglaya ang prosekusyon ng 10 araw upang aksiyunan ang naturang mosyon.
Inaprubahan naman ni Maglaya ang request ni Soliman na makapunta sa Cambodia upang makadalo sa ASEAN-NGO Leaders Conference.
Pinayagan siya ng korte ng makalabas ng bansa hanggang Pebrero 10.
Si Marcoleta ay nagsampa ng kasong libel kay Soliman matapos na sabihin ng huli na narinig niya ang Pangulong Arroyo na kinakausap si Marcoleta upang eendorso ang impeachment complaint na isinampa ni Atty. Oliver Lozano.
Agad naman itong itinanggi rin ng mga kaalyado ng Pangulong Arroyo sa Mababang Kapulungan. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended