Pupil binalibag ng guro
February 8, 2006 | 12:00am
Sinampahan ng reklamo ang isang elementary teacher makaraang ibalibag nito at mapilayan ang isang grade 5 pupil kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse Law ang suspect na si Rolando Cristobal, teacher sa Kasarinlan Elementary School sa Tuna St., ng nabanggit na lungsod.
Nagtamo naman ng mga pilay at pasa sa katawan ang biktima na itinago sa pangalang Alyson, 11, grade 5 pupil sa nabanggit na eskuwelahan at residente ng Tuna St. , Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Nabatid na dakong alas-11, kamakalawa ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng bakuran ng eskuwelahan.
Kasalukuyang naglalaro umano ang biktima kasama ang ilang mga mag-aaral nang tawagin ito ng gurong si Cristobal at inutusang magbunot ng mga damo at hindi sinasadyang naapakan ni Alyson ang mga pananim na gulay sa vegetable garden.
Dito ay nag-umusok na sa galit si Cristobal at biglang hinawakan ang biktima sa short pants at buong lakas na inihagis sa lupa.
Wala namang nagawa ang bata kundi ang umuwi ng paika-ika at magsumbong sa kanyang magulang na nagtungo sa pulisya at pormal na nagsampa ng reklamo laban sa guro.
Habang isinusulat ang balitang ito ay ayaw namang magbigay ng kanyang panig sa Cristobal at ang nasabing eskuwelahan hinggil sa nasabing insidente. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended