^

Metro

PNP inalerto

-
Nakaalerto na ngayon ang PNP matapos ihayag ng Department of Justice (DOJ) na nakapasok na sa Kalakhang Maynila ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) para maghasik ng kaguluhan sa Araw ng mga Puso.

Ayon kay NCPRO director Vidal Querol todo bantay na ngayon ang kapulisan sa Kalakhang Maynila para maiwasan ang mga kahalintulad na insidente noong Pebrero 14, 2005 kung saan pinasabog ang isang bus sa Ayala Avenue sa Makati City na ikinasawi ng apat katao.

Sinabi pa ni Querol na hindi naman kailangang ilagay sa full alert status ang puwersa ng NCRPO subalit hinikayat nito ang publiko na maging mapagmatyag at agad na ireport sa pulisya ang mga kahina-hinalang bagay.

Base sa intelligence report na nakalap ng pulisya, isa sa tatlong "would be attackers" ay nakilalang si Gappal Bannah.

Si Bannah ay natukoy ng pulisya base sa nakuhang surveillance photographs.

Ayon kay Querol nagpakalat na sila ng mga pulis sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng bus terminals, malls, rail stations at iba pang matataong lugar para hindi malusutan ng mga masasamang-loob.

Inatasan na rin ni Querol ang limang district director na maglunsad ng visibility patrol sa kanilang mga nasasakupang lugar.

Matatandaan una nang inihayag ng DOJ na mayroon na umanong mga miyembro ng ASG ang nasa kalakhang Maynila para sa panibagong plano ng terorismo. (Angie dela Cruz)

ABU SAYYAF GROUP

AYALA AVENUE

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

GAPPAL BANNAH

KALAKHANG MAYNILA

MAKATI CITY

QUEROL

SI BANNAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with