^

Metro

Manhunt inilunsad sa pulis na nag-torture sa binatilyo

-
Naglunsad na nang malawakang manhunt operation ang National Bureau of Investigation at Manila Police District (MPD) para sa ikadarakip ng bagitong pulis na nag-torture sa isang 17-anyos na basurero sa Tondo, Maynila.

Sinabi ni Atty. Reynaldo Esmeralda, hepe ng NBI-Special Task Force na pinaghahanap na nila ngayon ang suspect na si PO1 Ronaldo Hipolito, nakatalaga sa MPD-Headquarters Support Unit.

Sinabi naman ni Esmeralda na nakatakdang ibigay na ng biktimang si Reggie Duazo, 17, mangangalaykay ng basura ang resulta ng kanyang medical examination at makikipag-ugnayan na rin sa MPD para sa ikadarakip ng suspect.

Kaugnay nito, nagsasagawa na rin ng kanilang paghahanap ang MPD matapos na mabatid na nag-AWOL ang suspect noon pang Oktubre 2005.

Nabatid na sa General Assignment Section (GAS) ng MPD unang lumapit ang biktima para magreklamo ngunit hindi siya pinansin ng mga imbestigador kaya humingi ito ng tulong sa MPD Press Corps na nagpayo na magpasaklolo sa NBI.

Magugunitang bukod sa mga paso ng sigarilyo sa mukha at katawan, ay nagtamo rin ang biktima ng maraming hiwa ng bubog sa katawan. Pilit umano itong pinaaamin ng suspect na pulis na nagnakaw. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

HEADQUARTERS SUPPORT UNIT

MANILA POLICE DISTRICT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PRESS CORPS

REGGIE DUAZO

REYNALDO ESMERALDA

RONALDO HIPOLITO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with