^

Metro

Hiling ni Misuari binasura ng DOJ

-
Hindi na pinagbigyan ng Department of Justice (DOJ) ang kahilingan ng kampo ni dating Autonomous Region on Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari na matigil na ang paglilitis sa kinakaharap na kasong rebelyon.

Sa pitong-pahinang opposition na inihain sa Makati Regional Trial Court (RTC) ni State Prosecutor Peter Ong, sinabi nito na moot and academic na ang motion ni Misuari dahil sa nabasahan na ito ng sakdal noon pang Enero 2003.

Ipinaliwanag pa ni Ong na hindi maaaring gamitin na basehan ang naunang resolution ni dating Justice Secretary Simeon Datumanong noong December 2003 dahil nasimulan na ang paglilitis bago pa man lumabas ang nasabing resolution.

Iginiit pa rin ni Ong na imposible ang sinasabi ng kampo ni Misuari na ito ay napagkaitan ng due process sa kanyang kaso dahil kung titingnan aniya ang rekord ng kaso nito ay makikitang sumailalim ito sa preliminary investigation na isinagawa ni acting Provincial Prosecutor Manuel Tatel.

Nilinaw pa rin ni Ong na kung pagbibigyang muli ang kahilingan ni Misuari ay babagal ang takbo ng kaso nito.

Magugunita na pinaboran na rin ng DOJ ang kahilingan ni Misuari na makapagpagamot ito sa St. Luke’s Hospital dahil sa iba’t ibang sakit na nararamdaman nito. (Grace dela Cruz)

AUTONOMOUS REGION

DEPARTMENT OF JUSTICE

GOVERNOR NUR MISUARI

JUSTICE SECRETARY SIMEON DATUMANONG

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MISUARI

MUSLIM MINDANAO

ONG

PROVINCIAL PROSECUTOR MANUEL TATEL

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with