^

Metro

Ayaw palapitin sa misis, ex-OFW nagtangkang mag-suicide

-
Dala ng matinding problema sa buhay, isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagtangkang magpakamatay nang umakyat ito sa isang framed billboard sa GMA-Kamuning MRT Station kahapon ng umaga sa Quezon City.

Matapos ang may 30 minuto ay napakiusapan si Almario Eslao, 63, ng San Antonio, Nueva Ecija na bumaba at sabihin ang kanyang problema.

Dito ay inilabas ni Eslao ang kanyang sama ng loob sa kanyang mga bayaw dahil ayaw siyang palapitin sa kanyang misis na may sakit at naka-confine sa San Antonio District Hospital matapos na ma-stroke.

Ayon kay Eslao, pinagbawalan siyang lumapit sa kanyang asawa dahil sa kawalan niya ng trabaho. Aniya, hindi naman dating ginagawa ito sa kanya ng kanyang mga bayaw noong siya ay OFW sa Dammam, Saudi Arabia.

Lumilitaw na ito na ang ikalawang pagtatangka ni Eslao na magpakamatay. Una na niyang tinangkang magbigti subalit naagapan ng kanyang misis.

Sinabi pa nito na balak din niyang magpasagasa sa tren kung patuloy siyang hindi palalapitin sa kanyang asawa. (Doris Franche)

vuukle comment

ALMARIO ESLAO

ANIYA

DORIS FRANCHE

ESLAO

KANYANG

NUEVA ECIJA

OVERSEAS FILIPINO WORKER

QUEZON CITY

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO DISTRICT HOSPITAL

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with