^

Metro

2 Station commander sibak sa jueteng

-
Sinibak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Vidal Querol ang dalawang station commander sa Quezon City Police District (QCPD) bunga na rin ng ipinatutupad na one-strike policy sa jueteng.

Ang mga sinibak sa puwesto ay nakilalang sina Supt. Franklin Mabanag ng Novaliches Station 4 at Supt. Felicidad Gido, ng Fairview Police Station 6.

Ang pagsibak sa dalawa ay bunsod na rin ng isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng NCRPO- Regional Intelligence Special Operation Office (RISOO) sa bolahan ng jueteng sa kanilang mga nasasakupan.

Sa isinagawang pagsalakay, naaresto ang walong katao na ilan dito ay nakilalang sina Jomar Naz, Alberto Nacional, Maximo Oliveros, Winifredo Oreta.

Sinabi ni Querol na ang pagkakadakip sa walo ay pagpapatunay lamang na talamak pa rin ang sugal na jueteng sa kanilang nasasakupan.

Binanggit pa ni Querol na dapat na maging babala ito sa iba pang station commander na ang jueteng ay dapat na walisin sa kanilang nasasakupan dahil hindi umano siya magdadalawang-isip na alisin sa puwesto ang mga hindi sumusunod sa ipinatutupad na ‘one-strike policy’. (Doris Franche at Edwin Balasa)

ALBERTO NACIONAL

DORIS FRANCHE

EDWIN BALASA

FAIRVIEW POLICE STATION

FELICIDAD GIDO

FRANKLIN MABANAG

JOMAR NAZ

MAXIMO OLIVEROS

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NOVALICHES STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with