1 sa tsinap-chop kilala na

Kilala na ng mga awtoridad ang isa sa apat na chop-chop victim na ikinalat sa Quezon City habang ang ulo nito ay nakuha sa Marikina River noong Lunes ng hapon.

Ayon kay Senior Supt. Filipinas Papa, hepe ng Quezon City Crime Laboratory, ang biktima ay si Danilo Dacanay, 45, ng 159 Libis Adorata, Tondo, Maynila.

Sinabi ni Papa na nakilala si Dacanay matapos nakuhanan ng fingerprints ng Automated Fingerprints Identification System (AFIS) matapos na mabuo ang katawan nito.

Ipinaliwanag ni Papa na may rekord si Dacanay ng kasong vagrancy kung kaya’t naitugma ito sa kanyang mga personal records.

Nananatiling hindi pa nakikilala ang tatlo pang biktima ng chop-chop na kasabay na pinaslang ni Dacanay.

Samantala, sinabi ng pulisya na wala pa silang alam na grupong may kagagawan sa krimen maliban sa mga nagpakilalang vigilantes. (Doris Franche)

Show comments