^

Metro

Bagets tinorture ng pulis-Maynila

-
Dumulog kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang binatilyo na tinorture at muntik nang patayin ng umano’y isang pulis-Maynila matapos pagbintangang magnanakaw noong nakalipas na Sabado.

Inireklamo ng biktima na itinago sa pangalang Boy, 17, mangangalaykay ng basura ang suspect na si PO1 Ronaldo Hipolito, nakatalaga sa Manila Police District- HQ Support Unit.

Napilitang dumulog ang biktima sa NBI Special Task Force ni Atty. Reynaldo Esmeralda matapos na hindi umano siya pansinin ng mga kagawad ng MPD-General Assignment Section nang ireklamo ang ginawang pang-aabuso sa kanya ng pulis.

Sa salaysay ng biktima, naghahalungkat umano siya ng basura sa may Happy Land, Tondo nitong Sabado ng gabi nang damputin ng suspect. Dinala umano siya sa may Sarmiento St. malapit sa MPD-Station 2 at pinaaamin sa pagnanakaw ng isang pedicab at washing machine.

Itinanggi naman ng biktima ang bintang at sa kabila ng kanyang pagmamakaawa sinabi nito na pinalo siya ng dos-por-dos sa katawan. Pinaso pa umano siya ng sigarilyo sa mukha at likod at hindi pa nakuntento ay pinaghihiwa pa ng suspect ang kanyang katawan gamit ang ilang bubog.

Nagawa namang makatakas ng biktima at nakahingi ng tulong sa mga kaanak. Nilapatan naman ito ng lunas sa Gat. Andres Bonifacio Hospital kung saan nagtamo ito ng 30 tahi sa mga sugat sa katawan. (Danilo Garcia)

ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

DANILO GARCIA

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

HAPPY LAND

MANILA POLICE DISTRICT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REYNALDO ESMERALDA

RONALDO HIPOLITO

SABADO

SARMIENTO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with