Pagbagsak ng Tullahan bridge pinangangambahan
February 2, 2006 | 12:00am
Nangangamba ang mga miyembro ng Valenzuela City Council sa napipintong pagbagsak ng Tullahan bridge dahil sa katandaan nito at kabagalan ng isinasagawang pagkumpuni rito.
Dahil dito, naipasa ng konseho ang Resolution 2006-381 na humihiling sa tanggapan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na gawan ng aksiyon ang nalalapit na pagguho ng 65-anyos na tulay.
Ahyon kay 1st District Councilor Elizabeth Chongco, may-akda ng nasabing resolusyon, humigit-kumulang sa 30 tonelada ang araw-araw na dumadaan sa nasabing tulay na pangunahing kalsada patungo sa North Luzon.
Aniya, sa oras na bumagsak ang 10-metrong haba ng tulay ay mapaparalisado ang komersiyo at lalong bibigat ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng MacArthur Highway.
Batay naman sa pahayag ni Councilor Ritchie Cuadra, lalong lumala ang pagkasira ng tulay matapos itong gawing alternatibong daan ng mga truck mula sa norte makaraang magtaas ang singil ng NLEX noong nakaraang taon.
Nabatid pa na naglabas na ng budget ang Department of Public Works and Highways noong 2005 subalit hindi ito nagamit sa pagkukumpuni ng nasabing tulay sa hindi malamang kadahilanan.
Kaugnay nito, naniniwala naman sina Coun. Chongco at Cuadra na pagbibigyan ng Pangulo ang kanilang kahilingan upang mailigtas ang tulay na isa sa mga landmark ng kasaysayan ng lungsod ng Valenzuela. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest