^

Metro

Klase sinuspinde dahil sa bomb threat

-
Binalot ng takot ang umaabot sa 1,000 mga mag-aaral sa elementarya sa Pasig City matapos na tumawag ang isang lalaki na nagpakilalang pulis na nagsabing may nakatanim na bomba sa paaralan at posibleng sumabog anumang oras, kahapon ng umaga.

Nagkagulo sa Bambang Elementary School na matatagpuan sa Brgy. Bambang, Pasig matapos na palabasin ng mga guro at pamunuan ng paaralan ang mga estudynate upang suriin ang kapaligiran at kabuuan ng paaralan.

Dakong alas-11 ng umaga ng makatanggap ng tawag si Dr. Ruben Hopena, school principal mula sa isang nagpakilalang Rogelio Dimang, na umano’y nakatalaga sa National Capital Regional Police Office headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig na nagsabing mayroong bomba sa nabanggit na paaralan.

Nang usisain ng principal ang naturang informant sinabi nito na ibinase niya ito sa natanggap niyang intelligence report.

Agad namang humingi ng responde sa Pasig City Police- Explosives and Ordnance Division at sa SWAT ang pamunuan ng naturang paaralan na siyang nagsaliksik sa lugar.

Matapos ang inspeksyon sa lugar ay negatibo naman ang lumabas sa pagsusuri.

Gayunman, minabuti na rin na isuspinde ang klase sa buong maghapon.

Magugunitang kamakailan lamang ilang paaralan din sa Mandaluyong ang tumanggap ng bomb threat. (Edwin Balasa)

BAMBANG

BAMBANG ELEMENTARY SCHOOL

CAMP BAGONG DIWA

DR. RUBEN HOPENA

EDWIN BALASA

EXPLOSIVES AND ORDNANCE DIVISION

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

ROGELIO DIMANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with