^

Metro

2 pulis, 1 pa timbog sa kotong

-
Arestado ang dalawang pulis matapos na mahuli ito sa isinagawang entrapment operation habang ipinatutubos sa halagang P1,000 ang kuwintas na pagmamay-ari ng isang konsehal ng barangay, kamakalawa ng gabi, sa Pasig City.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Raul Medina, ang mga naarestong suspect na sina PO3 Alex Recio, 38; at SPO1 Ramon Hairul, 45, kapwa mga pulis na nakatalaga sa PCP-4 ng Pasig PNP at isang Rodel Jacla, 30, ng #64 Dr. Sixto Antonio Ave., Brgy. Rosario, ng nabanggit na lungsod.

Nakilala naman ang mga biktima na sina Roland Cabrera, 36, konsehal ng Brgy. Northside, Makati City at Richard Espejo, 23, barangay tanod at residente ng Blk. 33 Lot 1 Phase 2, Pinagsama Village, Taguig.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:20 kamakalawa ng gabi nang dakpin ng mga pulis sa gilid ng palengke malapit sa PCP-4 ng Pasig PNP ang mga biktima.

Nabatid na sinita nina PO3 Recio at police asset na si Jacla ang mga biktima sa isang checkpoint na isinasagawa sa Market Road ng nabanggit na lungsod.

Habang kinakapkapan ng mga suspect ang dalawang biktima ay kinuha ng mga ito ang cellphone, kuwintas at P3,500 cash. Nang kukunin ni Cabrera ang kanyang kuwintas ay inutusan siya ni PO3 Recio na magtungo na lamang sa kanilang presinto at magdala ng P1,000 kapalit ng naturang alahas.

Dahil dito, nagtungo sa tanggapan ng CIDG Pasig ang mga biktima na kaagad namang nagsagawa ng entrapment operation kung saan nakuha ang kuwintas kapalit ng marked money kay SPO1 Hairul. Nahaharap sa kasong robbery extortion ang mga suspect. (Edwin Balasa)

ALEX RECIO

BRGY

DR. SIXTO ANTONIO AVE

EDWIN BALASA

MAKATI CITY

MARKET ROAD

PASIG

PASIG CITY

PINAGSAMA VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with