Chop-chop na katawan nabuo na
February 1, 2006 | 12:00am
Unti-unti nang nabubuo ang katawan ng mga chop-chop victim matapos na tumugma ang dalawang ulo na nakuha kamakalawa sa Marikina River sa dalawa sa apat na torso na unang ikinalat sa Quezon City noong Biyernes ng madaling-araw.
Ayon kay C/Supt. Filipinas Papa ng QC Crime Lab, nag-match ang nakuhang isang ulo sa katawan ng isang lalaki na may sakal sa leeg, palatandaan na pinahirapan ito. Tinatayang nasa edad 35-40 ang biktima.
Kaugnay nito, nasa edad 40-42 naman ang ulo ng isang babae na nakuha rin sa nasabing ilog. Tumugma rin ito sa katawan na nakuha sa harap ng QC Police-Kamuning Station 10. May hikaw ito at tattoo na Sigue-Sigue Sputnitk.
Bagamat hindi pa masyadong kilala, tumugma ang ulo at katawan sa tipo ng mga balat nito. Sa ngayon ay dalawang ulo pa ng isang lalaki at babae ang pinaghahanap. Ang mga biktima ay sinasabing miyembro ng kilabot na carnaper, carjacker, mandurukot at drug pusher. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am