^

Metro

Indian na lider ng kidnap gang, timbog

-
Naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian national na hinihinalang leader ng kidnap for ransom gang na bumibiktima sa kapwa nito mga Indians na naninirahan dito sa bansa.

Kinilala ni Immigration Commissioner Alipio Fernandez Jr. ang suspect na si Kulwant Singh na naaresto kamakailan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pasakay na si Singh sa Singapore Airlines patungong New Delhi nang masabat ito ng mga operatiba ng Immigration agents sa NAIA departure area kung saan nakumpiska mula rito ang mga pekeng dokumento at pekeng re-entry permit at exit clearance certificate.

Ayon sa BI, si Singh ay nauna na nilang inimbestigahan kaugnay sa ulat na gumagamit ito ng mga alyas at sangkot din sa kidnapping activities.

Nakatanggap din ng intelligence report ang BI na si Singh ang utak ng sindikato ng pagkidnap sa mga Indian national na naninirahan sa Eastern Metro Manila at Rizal Province. Kaugnay nito, isang araw bago naaresto si Singh ay na-rescue ng mga awtoridad si Karnail Singh Chahal, 45, ng San Mateo, Rizal matapos itong dukutin ng mga armadong lalaki sa Marikina.

Isa sa mga suspect ang napatay, samantalang tatlo pa ang naaresto kabilang ang isa pang Indian na umaaktong tipster ng grupo. Matapos ang pagkakadakip sa mga suspect ay lumutang ang mga Indian sa Marikina police at dito nila positibong itinuro ang mga suspect na siyang kumidnap sa kanila noong nakaraang taon. (Gemma Amargo Garcia)

BUREAU OF IMMIGRATION

EASTERN METRO MANILA

GEMMA AMARGO GARCIA

IMMIGRATION COMMISSIONER ALIPIO FERNANDEZ JR.

KARNAIL SINGH CHAHAL

KULWANT SINGH

NEW DELHI

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

RIZAL PROVINCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with