11-anyos tinodas ni kuya
February 1, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang 11-anyos na grade 6 pupil matapos itong saksakin ng kanyang nakatatandang kapatid matapos ang mainitang pagtatalo, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot ng buhay sa Bernardino General Hospital ang biktimang si Joe Daniel Natividad, residente ng #544 Bagumbong, Brgy. 171 ng nabanggit na lungsod.
Samantala, pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang nakatatandang kapatid ng biktima na sinasabing responsable sa krimen na si David Joshua Natividad, 17, at out-of-school youth.
Base sa nakalap na impormasyon kay PO2 Allan Budios, may hawak ng kaso, alas-6:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng silid ng magkapatid.
Bago ang insidente ay narinig ng ina na si Gng. Cely Natividad na nagtatalo sa hindi malamang dahilan ang magkapatid na agad naman nitong inawat. Sa pag-aakalang hindi na mag-aaway ay iniwan ni Aling Cely ang mga anak subalit makalipas ang ilang sandali ay narinig nito ang boses ng bunsong anak na nagsasabi ng mga katagang, "Huwag, kuya huwag".
Mabilis na tinungo ng ginang ang kuwarto ng magkapatid subalit naka-lock ito kung kayat agad itong humingi ng tulong sa kanilang barangay hall.
Nang mabuksan ang pintuan ay tumambad sa kanilang paningin ang bangkay ng biktima na naliligo sa sariling dugo.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa agarang ikadarakip ng suspect upang managot sa nasabing insidente. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended