^

Metro

Lola dedo sa apo

- Rose Tamayo-Tesoro -
Basag ang bungo at agad nasawi ang isang 85-anyos na lola matapos itong hatawin ng lamesita ng kanyang apo nang mairita ang suspect sa sermon ng biktima, kahapon ng umaga sa Navotas.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Josefita Magtolis, biyuda at residente ng #20 M. de Vera St., Brgy. Sipac-Almacen ng nasabing bayan.

Samantala, nakapiit naman sa detention cell ng Navotas Police Station ang apo ng biktima na si Joseph Esteban, 38-anyos, walang hanapbuhay at kasambahay ng huli.

Batay sa nakalap na impormasyon kay P/Supt. Genesis Tolejano, hepe ng pulisya, dakong alas-11:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-lola sa nasabing lugar.

Nabatid na bago ang insidente ay nagtalo ang mag-lola hinggil sa kawalan ng trabaho at malimit na pag-uwi ng lasing ng suspect na hindi nagustuhan ng huli.

Sa puntong ito ay nagdilim ang paningin ng suspect at agad na binuhat ang lamesita sa kanilang sala at walang babala na ipinalo sa ulo ng biktima na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Positibo namang itinuro ang suspect ng kanilang kapitbahay na si Enteng Apostol makaraang makita nito ang suspect na lumabas ng bahay at tigmak ng dugo ang damit at mga kamay.

Ayon sa pahayag ng mga kaanak ng mag-lola, una nang pinalo ng suspect ng bote sa ulo ang biktima at sinaksak ng barbecue stick kapag nasesermunan ito sa tuwing umuuwi ng lasing.

vuukle comment

AYON

BASAG

BATAY

BRGY

ENTENG APOSTOL

GENESIS TOLEJANO

JOSEFITA MAGTOLIS

JOSEPH ESTEBAN

NAVOTAS POLICE STATION

VERA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with