2 kilo ng marijuana nasamsam
January 31, 2006 | 12:00am
Arestado ang dalawang kalalakihan at hindi pinayagang makapagpiyansa ang mga ito makaraang makuha sa kanilang posesyon ang tinatayang umaabot sa dalawang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Kinilala ng pulisya ang mga suspect na sina Reynaldo Hilario, 22, ng #101 Antique St., Bago Bantay, Quezon City at Martin Rase, 27, ng Gagalangin, Tondo, Manila.
Nasakote ng mga nagpapatrulyang pulisya ang mga suspect dakong alas-9 ng gabi sa panulukan ng Reparo at Bencer Sts., Caloocan.
Ang kahina-hinalang kilos ng mga suspect ang nag-udyok sa mga pulis na sitahin ang mga ito na nagbunga sa pagkakakumpiska mula sa mga una ng tinatayang umaabot sa dalawang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Hindi naman pinayagan ng korte na makapagpiyansa ang mga suspect para sa kanilang pansamantalang kalayaan. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended