^

Metro

Bomba nasabat sa LRT, 1 arestado

-
Arestado ang isang 40-anyos na lalaki habang nakatakas naman ang kasama nito makaraang mahulihan ito ng iba’t ibang matataas na auri ng gamit pampasabog habang papasakay ng Light Rail Transit (LRT) kahapon ng hapon sa Pasig City.

Ang suspect na kasalukuyang nasa kustodya ng Regional Special Action Unit ng National Capital Region Police Office (RSAU-NCRPO) ay nakilalang si Zaldy Munda, ng San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay NCRPO Intelligence Chief Sr. Supt. Felipe Rojas Jr., naaresto ang suspect dakong ala-1:45 ng hapon habang papasakay ito ng LRT Line 2, Santolan station ng lungsod na ito patungong Recto.

Laking gulat ng mga guwardiya ng LRT nang pgbukas ng asul na backpack ni Munda ay tumambad sa kanila ang iba’t ibang uri ng pampasabog.

Hindi naman pumalag ang suspect nang arestuhin habang nakatakbo naman ang kasama nito.

Kabilang sa mga nakuha kay Munda ay limang piraso ng electric blasting caps, 1-ft. na time fuse, 2 sticks ng pinaghihinalaang bomba na gell form at isang cellphone.

Ayon kay Rojas, hindi pa maaaring sumabog ang mga dala nitong bomba at kinakailangan munang i-assemble ito bago sumabog.

Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ang suspect. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

EDWIN BALASA

FELIPE ROJAS JR.

INTELLIGENCE CHIEF SR. SUPT

LIGHT RAIL TRANSIT

MUNDA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PASIG CITY

REGIONAL SPECIAL ACTION UNIT

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with