^

Metro

Agreement ng Meralco, NPC ibasura

-
Ipinababasura ng Aksyon Sambayanan ang "settlement agreement" sa pagitan ng Manila Electric Company at ng National Power Corporation.

Ayon kay Atty. Jose Ricafrente, legal counsel ng grupo, labag umano sa batas at sa moralidad ang naging kasunduan ng dalawang kompanya.

Sinabi ni Ricafrente na naghain sila ng motion for intervention sa ERC dahil may karapatan silang kuwestiyunin ang usapin. Sakop din ng kanilang koalisyon sa national, regional at sectoral organizations ang usapin dahil apektado dito ang mga manggagawa at iba pang maliliit na grupo.

Ipinaliwanag ni Ricafrente na posibleng maapektuhan ang pananalapi ng pamahalaan dahil magdudulot lamang ito ng pahirap sa gobyerno at mamamayan.

Sakaling aprubahan ng ERC, ipapasa na ng Lopez-controlled company sa kanilang mga consumer ang P0.12 sentimos kada kilowatt hour na kunsumo sa kuryente. (Doris Franche)

AKSYON SAMBAYANAN

AYON

DORIS FRANCHE

IPINABABASURA

IPINALIWANAG

JOSE RICAFRENTE

LOPEZ

MANILA ELECTRIC COMPANY

NATIONAL POWER CORPORATION

RICAFRENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with