^

Metro

Trader, utas sa ambush

-
Masusing sinisiyasat ng pulisya ang motibo ng pamamaslang sa isang negosyante sa harap ng isang bar sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang dead on arrival sa Capitol Medical Center sanhi ng dalawang tama ng bala ng kalaibre .45 ang biktimang si Teodoro Corpuz, Jr., 39 ng #03 Escaler Heights, Quezon City.

Batay sa report ni PO3 Mario Turiano ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division, dakong ala-1:10 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa harap ng Decades Bar sa Sct. Tuazon, Brgy. Laging Handa, Q.C.

Ipinaparada ng biktima ang kanyang Toyota Corolla na may plakang UNN-825 nang biglang sumulpot ang isang hindi kilalang lalaki at walang sabi-sabing binaril ng malapitan ng dalawang ulit ang biktima.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan, Jr., negosyo ang isa mga anggulo na kanilang sinisiyasat sa insidente.

Sinabi naman ni QCPD-CID chief Supt. Popoy Lipana na nangangalap na ng saksi ang kanyang mga tauhan upang matukoy ang suspect. (Doris Franche)

CAPITOL MEDICAL CENTER

CHIEF SUPT

DECADES BAR

DORIS FRANCHE

ESCALER HEIGHTS

LAGING HANDA

MARIO TURIANO

NICASIO RADOVAN

POPOY LIPANA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with