^

Metro

Hostage-taker patay sa parak

- Gemma Amargo-Garcia -
Nabaril at napatay ng isang pulis-Maynila ang 19-anyos na binata nang i-hostage at tangkain nitong patayin ang kanyang sariling pamangkin kahapon ng madaling-araw sa Pandacan, Maynila.

Dead-on-the-spot ang suspect na si Dennis dela Cruz ng 1901-K Interior 100-D Zamora St. matapos na magtamo ng tama ng bala mula sa baril ni PO2 Alexis Cardinez, 33, nakatalaga sa MPD-Police Station 10.

Sa imbestigasyon ni Det. Edison Bertoldo ng MPD-Homicide Division, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa bahay ni dela Cruz.

Una rito, lasing at nagwawala ang suspect kasabay ng paghahamon ng away kung kaya’t tinangka itong awatin ni Brgy. Capt. Estaquio Balaguer. Subalit bigo si Balaguer na nagbunsod dito upang humingi ng police assistance.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating si Balaguer kasama ang mga pulis na kinabibilangan ni Cardinez kung saan hostage na ni dela Cruz ang pamangkin nito na si John Kevin dela Cruz.

Tumagal ng 30 minuto ang negosasyon subalit hindi pa rin mapakiusapan ang suspect hanggang sa tangkain ng huli na saksakin ang biktima sa leeg.

Dito na inasinta ni Cardinez ang suspect na tinamaan sa sentido. Agad namang nasagip ang biktima nang mabitawan ng suspect.

Gayunman, sumasailalim pa rin sa imbestigasyon si Cardinez.

vuukle comment

ALEXIS CARDINEZ

BALAGUER

CARDINEZ

CRUZ

D ZAMORA ST.

EDISON BERTOLDO

ESTAQUIO BALAGUER

HOMICIDE DIVISION

JOHN KEVIN

K INTERIOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with