1 pang chop-chop victim natagpuan
January 29, 2006 | 12:00am
Isa na namang pinagputul-putol na katawan ng lalaki ang natagpuan kahapon ng umaga sa panulukan ng East Service at Meralco Road ng Brgy. Sucat, Muntinlupa City.
Kasalukuyang nakalagak ang putul-putol ng katawan ng biktima na kinabibilangan ng ulo, dalawang braso at dalawang binti sa Rizal Funeral Homes sa Libertad, Pasay City.
Ayon sa ulat natagpuan itong nakasilid sa magkahiwalay na plastik na kulay asul at puti at saka inilagay sa loob ng isang travelling bag.
Binanggit ng pulisya na nadiksubre ang mga labi ng biktima dakong alas-6:30 ng umaga sa nabanggit na lugar nina Victoria Onisa at Datu Amagan, kapwa barangay police.
Isang saksi ang nagsabing may napansin siyang isang lalaki na katatalukbong ng bandana ng Muslim ang nakita niyang may bitbit ng naturang bag sa pagitan ng alas-10 hanggang alas- 11 ng gabi kamakalawa. Sa katunayan ay nagkape pa umano ito sa kanyang tindahan.
Ilang minuto lamang ay umalis na ang nasabing lalaki bitbit pa rin ang travelling bag. Dala ng hinala dahil sa kakaibang kilos ay tinanaw pa umano ito hanggang sa makalayo. Napansin umano niya na iniwan na lamang ang bag.
Ayon sa tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ng Muntinlupa Police ang bangkay ay tinatayang may 6-8 oras nang patay.
Hanggang ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para kilalanin ang biktima at maging ang suspect. (Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended