^

Metro

1 dedo sa pamamaril ng sekyu

-
Isang 29-anyos na repairman ang nasawi habang kritikal naman ang isang kagawad ng Dept. of Public Safety (DPS) ng Manila City Hall matapos na mamaril ang isang security guard sa Sta. Cruz, Manila, kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang nakilala sa alyas na "Allan" ng Quezon City, habang inoobserbahan naman sa nasabing pagamutan sanhi ng isang tama ng bala sa katawan si Ruel Bacaresas, 37, ng 238 Matimtiman St., Tondo.

Agad na naaresto ang suspect na si Johnny delos Reyes, 29, ng Jofra Security Agency, ng 56 San Jose St., Proj. 8, QC.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing insidente sa harapan ng Plaza Fair Dept. Store, Sta. Cruz, kung saan nakatalagang sekyu si delos Reyes.

Kasalukuyan umanong nakikipag-inuman ang biktima sa isang lugar sa Avenida, Rizal nang mapadaan ang isang alyas "Sonny" na dati umanong kaaway ni Bacaresas. Dito na nagsimula ang kaguluhan nang dumampot ng bote ng softdrink si Sonny saka ibinato sa harapan ng biktima.

Hindi umano ito pinansin ng dalawa kaya lumipat na lamang ng ibang puwesto at itinuloy ang inuman sa may harapan ng OTB racing station. Nang maubos ang alak, naglakad ang dalawang biktima na may bitbit na tig-isang bote ng softdrink at nang mapadaan sa tapat ng department store ay naisipang ibagsak ang mga bote.

Ikinagalit ng suspect ang pananadya ng dalawang lasing na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa magbunot ng baril si delos Reyes at pinaputukan ang dalawa. (Danilo Garcia)

vuukle comment

CRUZ

DANILO GARCIA

HOMICIDE SECTION

ISANG

JOFRA SECURITY AGENCY

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA CITY HALL

MATIMTIMAN ST.

PLAZA FAIR DEPT

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with