^

Metro

Binatilyo hindi nagbigay ng ‘tong’ tinarakan, kritikal

-
Kritikal sa pagamutan ang isang binatilyo matapos na pagsasaksakin ng lider ng isang fraternity matapos na tumanggi ang biktima na magbigay ng tong, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Patuloy na inoobserbahan sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Mark Joseph Alcantara, 17, high school student, ng F. Branville II, Camarin, sanhi ng mga saksak na tinamo sa katawan.

Nagsasagawa naman ng pagtugis ang mga elemento ng Caloocan PNP laban sa suspect na si Jomar Gomez, alyas Boy Negro, sinasabing lider ng ‘True Brown Style fraternity.’

Batay sa ulat ni SPO1 Wilson Reyes, may hawak ng kaso, bandang alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng Cielito Annex High School sa Camarin, Caloocan City.

Kasalukuyang naglalakad ang biktima pauwi sa kanyang bahay nang salubungin ito ni Boy Negro at saka hinihingan ng pera para hindi umano ito gulpihin subalit tumanggi ito.

Ikinairita ng suspect ang pagmamatigas ng biktima kung kaya’t agad itong naglabas ng patalim at walang sabi-sabing inundayan ng tatlong saksak ang huli sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Rose Tamayo)

BATAY

BOY NEGRO

CALOOCAN CITY

CIELITO ANNEX HIGH SCHOOL

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JOMAR GOMEZ

MARK JOSEPH ALCANTARA

ROSE TAMAYO

TRUE BROWN STYLE

WILSON REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with