^

Metro

Abogado ni Jaylo umapela sa korte

-
Naghain kahapon ng motion for reconsideration sa Manila Regional Trial Court (RTC) ang abogado ni dating Presidential Anti-Illegal Task Force chief Reynaldo Jaylo na pumipigil sa pagpapatupad ng warrant of arrest laban dito.

Sa 11-pahinang motion for reconsideration na inihain ni Atty. Frank Chavez sa RTC branch 28, hiniling din nito ang pagbasura sa kaso ni Jaylo sa sandaling mapatunayang wala itong pagkakasala.

Kinuwestiyon din ni Chavez ang pagsasampa ng Department of Justice (DOJ) ng kasong 6 counts of serious illegal detention kay Jaylo gayung isa umano itong public official.

Mayroon umano silang ebidensiya na si Jaylo ay isang public officer kung kaya’t marapat lamang na ikaso dito ay arbitrary detention at hindi serious illegal detention.

Binigyan naman ng korte ng limang araw ang DOJ para sagutin ang MR na inihain ng kampo ni Jaylo.

Nilinaw din ni Chavez na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nila alam kung saan nagtatago ang kanyang kliyente dahil maging ang kanyang mga anak ay hindi rin ito nakikita.

Magugunita na nagpalabas ng warrant of arrest ang korte noong Disyembre 29, 2005 matapos na magsampa ng kaso ang mga naaresto ng tauhan ni Jaylo na umano’y mga illegal recruiter. (Gemma Amargo-Garcia)

BINIGYAN

CHAVEZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

DISYEMBRE

FRANK CHAVEZ

GEMMA AMARGO-GARCIA

JAYLO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

PRESIDENTIAL ANTI-ILLEGAL TASK FORCE

REYNALDO JAYLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with