^

Metro

Presidente ng TODA tinodas sa Marikina

-
Patay ang isang lalaki na presidente ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) makaraang barilin ng pinaniniwalaang hired killer, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Namatay noon din sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Anicieto Edora, 47, presidente ng Samahang Panorama TODA at residente ng 15 Rawhid St., Rancho Estate II, Concepcion Dos ng nabanggit na lungsod.

Agad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect na hinihinala ng pulisya na hired killer.

Ayon sa pulisya, dakong alas-4:54 ng hapon habang minamaneho ng biktima ang kanyang jeep na may plakang DVE-275 na may biyaheng Stop and Shop patungo sa SSS Village ng sumakay dito ang suspect sa harap ng Concepcion Market na nagpanggap na pasahero at umupo sa likuran ng biktima.

Pagdating sa kanto ng Ordoñez at Bugalion Sts., Brgy, Concepcion Dos ay bumunot ang suspect ng baril at malapitang pinaputukan ng dalawang beses sa ulo ang biktima sanhi ng agaran nitong kamatayan, habang nagsipanakbuhan naman ang iba pang pasahero sa jeep.

Ayon pa sa pulisya, posibleng may kaugnayan sa pagiging presidente ng TODA ng biktima ang dahilan sa pagpaslang.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito, gayundin ang manhunt operation laban sa suspect. (Edwin Balasa)

ANICIETO EDORA

AYON

BUGALION STS

CONCEPCION DOS

CONCEPCION MARKET

DRIVERS ASSOCIATION

EDWIN BALASA

MARIKINA CITY

RANCHO ESTATE

RAWHID ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with