^

Metro

Pacquiao aampunin ng QC bilang parangal

-
Dahil sa kabayanihan na ipinamalas ni Pinoy boxing champ Manny Pacquiao, niluluto ng dalawang konsehal mula sa Quezon City ang isang resolusyon upang gawing adopted son ng lungsod ang sikat na boksingero.

Ayon kina Councilor Winston "Winnie" Castelo at Junie Marie ‘Jemboy’ Castelo, magsisilbing parangal ang naturang panukala para kay Pacquiao na siyang nagbigay ng dangal sa sambayanang Pilipino.

Sinabi ni Castelo na kahit ang mga taga-Quezon City ay hindi magdadalawang-isip na ampunin si Pacquiao ng lungsod dahil mismong ang buong Pilipinas ay buong pusong tatanggapin ang manlalaro bilang isang mahal na anak sa kanyang pagbabalik sa bansa.

Samantala, sinabi naman ng nakababatang konsehal mula sa youth sector na dapat lamang gayahin ng mga kabataan ang ipinamalas ni Pacquiao bago at sa oras ng labanan na nagtapos sa kanyang tagumpay.

vuukle comment

AYON

CASTELO

COUNCILOR WINSTON

DAHIL

JEMBOY

JUNIE MARIE

PACQUIAO

PILIPINAS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with