QC employee kinasuhan sa pamemeke ng pirma ni SB
January 25, 2006 | 12:00am
Isang empleyado ng Quezon City Hall ang kinasuhan ng forgery sa Quezon City Prosecutors Office dahil sa pamemeke ng lagda ni QC Mayor Feliciano "Sonny" Belmonte Jr.
Sa kanilang 7-pahinang complaint affidavit, sinabi nina SPO3 Myson Melchor dela Oca at SPO2 Roman Calano Jr. ng QC hall block police office, ilang beses na silang tumatanggap ng mga reklamo laban sa akusadong si Nestor Malgapo, employee ng City Planning Division sa QC Hall at residente ng 320 Lucas Cuadra St., Sta. Quiteria, Quezon City.
Dahil dito, nagpasya ang kanilang himpilan na magsagawa ng entrapment operation laban kay Malgapo sa tulong ng ibat ibang opisyal ng QC Hall.
Ganap na alas-10 ng umaga, tumawag ang naturang mga pulis na nagpakilalang contractor kay Malgapo sa pamamagitan ng cellphone at nagsabing kailangan ang serbisyo nito para pekein ang pirma ni Mayor Belmonte.
Ganap na alas-10:15 ng umaga ng nasabing araw, nakipagkita si Malgapo sa mga pulis na nagkunwaring contractor ng QC Hall.
Dito, humingi agad si Malgapo ng halagang P10,000 mula sa mga ito bilang kapalit ng gagawin nitong trabaho.
Nagtungo naman ang suspect at mga poseur-contractor sa isang restaurant sa Matalino St., Diliman, QC at dito napagdesisyunan na mag-iisyu si Malgapo ng disbursement voucher na nakapangalan sa GEMRA Company na may halagang P27,698 na may lagda ni Mayor Belmonte at City Administrator Paquito Ochoa.
Napagkasunduan din ng magkabilang panig na oras na maipalit ang naturang tseke, agad na ibibigay kay Malgapo ang 10 percent ng kabuuang halaga ng tseke.
Nagpakita ang mga pulis sa poseur-contractor ng Land Bank cheque #0000247580 na may account name na LGU Quezon City General Fund at sa naturang restaurant mismo ay agad na nag-practice si Maglapo para gayahin ang lagda ni Belmonte at Ochoa.
Nang makapirma na si Malgapo sa naturang tseke, agad naman itong dinakip ng mga pulis at agad na kinasuhan sa korte. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest