^

Metro

3.5 kilo ng marijuana nasabat, ‘tulak arestado’

-
Umaabot sa 3.5 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Anti Illegal Drugs Special Operation Task Force kasabay sa pagkaaresto sa isang tulak sa isinagawang entrapment operation, kahapon ng madaling araw sa nabanggit na lungsod.

Iniharap sa media ni QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan Jr., ang suspect na si Joel Niedo, 17 ng Bukidnon St., Blk. V, Brgy. Ramon Magsaysay, Bago Bantay, Quezon City.

Ayon kay Radovan, dalawang linggo nilang isinailalim sa surveillance ang suspect hanggang sa makumpirma ang operasyon nito.

Dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang magpanggap na buyer ang isang pulis at bumili sa suspect ng halagang P100.00 halaga ng marijuana sa loob mismo ng bahay nito.

Nakuha ng mga awtoridad ang bultu-bultong pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P3 milyon.

Mariin namang pinabulaanan ng suspect ang akusasyon sa pagsasabing ang kapatid niyang si Alfredo Niedo ang nagtutulak at siya naman ang dinakip ng mga awtoridad makaraang makatakas ang kanyang kapatid.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang nadakip na suspect. (Doris Franche)

ALFREDO NIEDO

BAGO BANTAY

BUKIDNON ST.

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK FORCE

JOEL NIEDO

NICASIO RADOVAN JR.

QUEZON CITY

RAMON MAGSAYSAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with