^

Metro

Pamilya niratrat: 1 patay, 2 kritikal

-
Isang lalaki ang nasawi, samantalang nasa malubhang kalagayan naman ang ina at ama nito, makaraang pasukin ang kanilang tahanan ng tatlong armadong kalalakihan sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Patay na nang idating sa Muntinlupa Medical Center ang biktimang si Francis Castañeda, 30, security guard. Nakaratay din sa nasabing ospital ang ina at ama nito na sina Flocerpida, 52 at Edilberto, 49, pawang residente at katiwala sa bahay umano ni Virgilio Bunye na matatagpuan sa Esporlas Compound, Itaas, Putatan, Muntinlupa.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa baba si Francis na tumagos sa leeg, habang ang mga magulang naman nito ay pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan at maging sa mukha.

Hindi na idinamay sa pamamaril ng mga suspect ang 11-anyos na miyembro rin ng pamilya habang ang isa pang lalaking kapatid nito ay nagawa namang makatalon sa bintana at nakatakas.

Sa ulat ng Muntinlupa Police, ang mga biktima ay caretaker sa lupang pag-aari ni Bunye at ang hinihinalang motibo sa pamamaslang ay ang isinagawang demolisyon sa mga bahay ng mga squatters na dating nakatirik sa nasabing compound.

Sinabi ni PO3 Rodel Torres, may hawak ng kaso, si Flocerpida ang nagpagiba ng mga ilegal na itinayong bahay sa loob ng compound na kanilang binabantayan.

Mabilis na nagsitakas ang mnga suspect matapos ang isinagawang pamamaril. Isang Junior Nasi naman ang itinuturong suspect makaraang kamakailan lamang ay nagpadala ito ng sulat na nagbabanta sa nasabing pamilya.

Ayon pa sa ulat dakong alas-7:30 ng gabi kamakalawa ng biglang pumasok sa loob ng compound ang tatlong armadong kalalakihan na agad na pinaputukan ang mag-amang Edilberto at Francis, bago pumasok sa bahay at muli doon niratrat si Flocerpida. (Ludy Bermudo)

EDILBERTO

ESPORLAS COMPOUND

FLOCERPIDA

FRANCIS CASTA

ISANG JUNIOR NASI

LUDY BERMUDO

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA MEDICAL CENTER

MUNTINLUPA POLICE

RODEL TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with