^

Metro

‘Madaldal’ na sekyu binoga, patay

-
Dahil sa umano’y makating dila, binaril at napatay ang isang 29-anyos na security guard makaraang itsismis umano nito ang kanyang kasamahan dahil sa umano’y ‘kapalpakan’ nito sa trabaho sa Tondo, Maynila.

Ang biktimang si Richard Perez, may-asawa, sekyu ng Strike Force Alpha Security Agency, residente ng Mabini St., Blk. 5 Magsaysay Village, Tondo at nakatalaga sa Harbor Center Port Terminal Inc. ay idineklarang dead-on-arrival sa Tondo General Hospital dahil sa tama ng baril sa kanyang dibdib.

Samantala, ang suspect na si Rolando Bayonon, 30, may-asawa, kasamahan sa trabaho ng biktima ay nakakulong naman ngayon sa Manila Police District-Homicide Division.

Batay sa imbestigasyon ng Homicide Division, ang insidente ay naganap dakong alas-12:45 ng madaling-araw sa gate ng nabanggit na lugar ng insidente.

Nabatid na bago umano naganap ang insidente ay nakarating sa kaalaman ni Bayonon na ipinagkakalat umano ni Perez ang kanyang kapalpakan sa trabaho nito sa gate ng Port Terminal.

Kung kaya’t nang magkita umano ang dalawa ay kinompronta ng suspect ang biktima at nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa barilin ng una ang huli.

Sa presinto, agad namang inamin ng suspect ang krimen at ngayon ay pinagsisisihan ito. (Grace dela Cruz)

HARBOR CENTER PORT TERMINAL INC

HOMICIDE DIVISION

MABINI ST.

MAGSAYSAY VILLAGE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE DIVISION

PORT TERMINAL

RICHARD PEREZ

ROLANDO BAYONON

STRIKE FORCE ALPHA SECURITY AGENCY

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with