^

Metro

4 na kaso vs pulis-Bicutan

-
Patung-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang pulis Bicutan nang arestuhin bunga ng walang habas nitong pagpapaputok ng baril at nanuntok pa ng isang radio reporter kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang mga kasong isinampa laban kay P02 Jessie Caragdag,32 ng 1969-M Katamanan St. Tondo, Maynila ay kinabibilangan ng 2 counts of physical injuries, 2 counts of oral defamation, grave threats at alarm and scandal. Nakatalaga ito sa RHSG ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City.

Nabatid na inireklamo ni Julie Ann Cruz, 26, field supervisor ang walang tigil na pagpapaputok ni Caragdag ng baril dakong alas-11 ng gabi.

Dahil dito, inaresto ng mga pulis si Caragdag hanggang sa magkita sila ni Cruz sa presinto. Tinangka namang suntukin ng pulis si Cruz na nakita naman ng reporter ng GMA-DZBB na si Allan Gatus na noo’y nagkokober.

Dito ay si Gatus naman ang pinabalingang suntukin ng suspect na pulis.

Bukod sa mga nasabing kaso posible ring masibak sa serbisyo si Caragdag matapos na ipag-utos ni PNP chief Director General Arturo Lomibao na alisin ang mga scalawag na pulis sa tungkulin.

Kasalukuyan itong nakakulong sa General Assignment Section ng Manila Police District. (Gemma Amargo-Garcia)

ALLAN GATUS

BICUTAN TAGUIG CITY

CAMP BAGONG DIWA

CARAGDAG

CRUZ

DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

GEMMA AMARGO-GARCIA

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

JESSIE CARAGDAG

JULIE ANN CRUZ

M KATAMANAN ST. TONDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with