^

Metro

Manila’s Finest suwag kay Querol sa pagsibak sa mga traffic police

-
Hindi pabor ang Manila’s Finest Brotherhood Association sa plano at kautusan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Vidal Querol sa pagbabawas ng mga traffic police sa mga lansangan ng Metro Manila.

Sa liham ni SPO2 Antonio Emmanuel, presidente ng Manila’s Traffic Enforcer Welfare Fund Foundation, posibleng mas lalo lamang umanong magkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa mga darating na linggo sa buong Metro Manila sakaling ipatupad na ang downloading ng mga traffic police.

Aniya, ang ibig sabihin nito ay ibabalik na sa kanilang mother unit ang mga pulis trapiko na umaabot sa 350 na ang 104 rito ay nagmula sa Manila Traffic Bureau at ang 250 naman ay nagmula sa ibang distrito ng pulisya.

Bunsod sa gagawing downloading, ang mga kawani na lamang ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at mga deputized traffic aides ang hahawak ng trapiko sa lungsod.

Kinuwestiyon din ng mga traffic police ang kautusan ni Querol dahil sa hindi umano ito aprubado ng Metro Mayors at dapat lamang idaan ang proseso ng pagsibak sa kanila sa mga alkalde dahilan na rin sa deputized ng mga lokal na pamahalaan ang mga traffic police.

Maaari din umanong pag-ugatan ng corruption, manipulasyon at demoralisasyon ang downloading kaya’t dapat lamang umano na huwag ng ipatupad ito.

Bukod dito ang pamahalaan din umano ng Manila ang siyang nagpapalabas ng Ordinance Violation Receipt para sa karagdagang kita ng lungsod. (Gemma Amargo-Garcia)

ANTONIO EMMANUEL

FINEST BROTHERHOOD ASSOCIATION

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANILA

MANILA TRAFFIC BUREAU

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MAYORS

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with