^

Metro

Pamilya niratrat habang nag-aalmusal: 1 todas

-
Naging madugo ang masayang almusal ng isang mag-anak makaraang pagbabarilin sila ng may-ari ng lupa na tinitirikan ng kanilang bahay matapos ang pagtatalo hinggil sa matagal ng pagkakautang ng mga biktima sa huli, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng krimen si Ramil Azares, 39, ng Franville I, Brgy. 183, Camarin sanhi ng mga tama ng bala ng baril na tinamo sa ulo at dibdib.

Patuloy namang inoobserbahan sa East Avenue Medical Center ang live-in partner nitong si Corazon Bartolome, 35, sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa mukha, habang nasa ligtas namang kalagayan ang anak nilang si Lykalyn, 5, na nahagip ng bala sa kamay.

Samantala, nasa kustodya na ng Urduja Police Station ang pinagkakautangan ng mga biktima at sinasabing utak sa nasabing krimen na si Willie Soterio, habang patuloy na pinaghahanap ang isang kasama nito na siyang bumaril sa pamilya -Azares.

Si Soterio ay positibong kinilala ng nag-iisang saksi sa insidente na si Lovely Azares, 12, anak ng nasawi,

Batay sa nakalap na impormasyon kay Supt. Napoleon Cuaton, hepe ng Station Investigation Division and Management Bureau, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng umaga sa loob ng bahay ng mga biktima sa nabanggit na lugar.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon, kasalukuyang nag-aalmusal ang pamilya-Azares nang pumasok si Soterio at sinisingil ang mahigit na walong buwang pagkakautang sa upa sa lupa ng mga biktima.

Batay sa pahayag ni Lovely, 12, narinig umano niya na humihingi ng palugit ang kanyang ama upang mabayaran ang pagkakautang subalit mariing tumanggi ang suspect.

Sa puntong ito ay umusbong ang pagtatalo sa pagitan ni Soterio at ng nasawi kung saan mabilis na bumunot ang kasama ng una at walang sabi-sabing pinaputukan ang huli sa ulo at dibdib, habang nahagip naman ng ligaw na bala sina Corazon at si Lykalyn.

Matapos ito ay mabilis na tumakas ang suspect sa hindi mabatid na direksyon.

Sa isinagawang follow-up operation agad na nadakip si Soterio, habang pinaghahanap naman ang gunman na tauhan nito. (Rose Tamayo)

AZARES

BATAY

CALOOCAN CITY

CORAZON BARTOLOME

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FRANVILLE I

LOVELY AZARES

LYKALYN

NAPOLEON CUATON

SOTERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with