13-taon sa lider ng karnap group
January 20, 2006 | 12:00am
Hinatulan kahapon ng Malabon City (RTC) ng sampu hanggang labing-tatlong taon na pagkabilanggo ang lider ng Busangol Carnapping Syndicate makaraang mapatunayan itong nagkasala may isang taon na ang nakalilipas sa nasabing lungsod. Batay sa 5-pahinang desisyon ni Judge Benjamin M. Aquino Jr., ng RTC Branch 73, ang akusadong si Rolando Mendoza, alyas Busangol, 44, tubong Osando, Aklan, ng Blk 33, Ph. 2, Area 3, Dagat-Dagatan, Brgy. Longos, Malabon City ay inatasan din ng korte na magbayad ng P500,000 bilang kabayaran sa nagawang kasalanan sa batas at tig-P180,000 naman bawat isa sa limang complainants na nagsampa ng kaso laban sa kanya. Base sa rekord ng korte, si Mendoza ay naaresto ng pulisya noong Mayo 30, 2005 dakong alas-6 ng umaga sa panulukan ng C-4 Road at Pampano St., Brgy. Longos, Malabon matapos na maaktuhang tinatangay ang isang tricycle. (Rose L. Tamayo)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended