^

Metro

3 pekeng NBI agent, arestado

-
Nabuko ang matagal nang nagpapanggap na tatlong lalaki bilang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na tuluyan silang arestuhin ng mga tunay na agents habang ilegal na umuokupa sa satellite office ng ahensiya sa Antipolo City.

Bumagsak ngayon sa NBI detention cell ang mga pekeng ahente na nakilalang sina Eden Asban y Macalino, alyas Eduardo Mallari, 31, binata, ng #3462 West Vigan St., Sta. Mesa, Manila; Glenden Batinga, 36, binata, ng #663 Paciyo St., Cainta, Rizal; at Rexam Bichiero, 41, walang trabaho at residente ng #84 Pedrocio St., Antipolo City.

Sa ulat ng Anti-Organized Crime Division, nabuko ang pagpapanggap ng tatlo matapos na magreklamo ang mga negosyante sa Antipolo City sa umano’y walang habas na pangingikil ng tatlo na nagpapakilalang mga ahente ng NBI.

Bukod dito, humihingi rin umano ng "protection money" ang grupo sa mga night clubs at sinasalakay din ang ibang establisimiyento nang walang kasong isinasampa kung saan nangingikil lamang ng pera.

Agad na nagsagawa ng surveillance ang NBI kung saan nadiskubre nila na ang mga ito ang umuokupa sa kanilang satellite office sa lungsod.

Dito na inaresto ang mga suspect kung saan nakumpiska sa grupo ang mga pekeng NBI identification cards, mga hindi dokumentadong baril at mga dokumento na ebidensiya ng kanilang extortion activities.

Nahaharap ngayon ang mga suspect sa kasong usurpation of authority at illegal possession of firearms sa Antipolo Prosecutor’s Office. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO PROSECUTOR

DANILO GARCIA

EDEN ASBAN

EDUARDO MALLARI

GLENDEN BATINGA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PACIYO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with