^

Metro

2 tricycle sinuyod ng van: 9 sugatan

-
Siyam katao ang malubhang nasugatan, karamihan sa mga ito ay estudyante, makaraang suyurin ng isang delivery van ang dalawang tricycle na kinalululanan ng mga ito, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Kasalukuyang ginagamot sa Pasig City General Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa katawan at ulo ang mga biktimang sina Ernesto Gallardo, 63; at Ernesto Ariola, 34, kapwa driver ng mga tricycle; Roldan Lizada, Sheila Mae Abate, Candy Medic, John Rey Cuareto, Mark Anthony Abante, Danica Ramos, pawang nasa edad 13-14-anyos at nag-aaral sa Rizal High School; at isang hindi pa kilalang lalaking mag-aaral.

Samantala, agad namang naaresto ng rumespondeng pulisya ang suspect na si Federico del Castillo, 58, driver ng delivery van na bumangga sa mga tricycle.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa kahabaan ng East Bank Road, Brgy. Manggahan ng lungsod na ito.

Nabatid na minamaneho ng suspect ang van, may plakang XMN-536 patungo sa Marikina nang tangka nitong unahan ang sinusundang sasakyan.

Subalit sa kanyang pag-overtake ay nakasalubong nito ang magkasunod na tricycle na minamaneho nina Gallardo at Ariola lulan ang mga estudyanteng papasok sa eskuwelahan kaya nataranta ito at hindi kaagad natapakan ang kanyang preno, dahilan upang suyurin ang mga tricycle. (Edwin Balasa)

vuukle comment

CANDY MEDIC

DANICA RAMOS

EAST BANK ROAD

EDWIN BALASA

ERNESTO ARIOLA

ERNESTO GALLARDO

JOHN REY CUARETO

MARK ANTHONY ABANTE

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with