^

Metro

Pamangkin ni Rep. Escudero patay sa holdap

-
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang sinasabing pamangkin umano ni House Minority Leader Francis Escudero matapos na barilin sa dibdib ng isang holdaper nang manlaban ito, kahapon ng umaga sa Malate, Maynila.

Idineklarang patay ng mga manggagamot sa St. Claire Clinic sa Makati ang biktimang si Zachary Escudero, 19, estudyante at residente ng Bautista St., Malate.

Sa ulat ng pulisya, naglalakad umano ang biktima papasok sa paaralan dakong alas-7 ng umaga sa harapan ng Mama-la Mini Mart sa panulukan ng P. Ocampo at Arellano, Malate nang maganap ang krimen.

Hawak ng biktima ang kanyang Nokia 3310 cellphone nang biglang hablutin ng isa sa mga suspect. Posible umanong nanlaban ang biktima kaya ito pinaputukan ng baril bago mabilis na tumakas ang mga suspect.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na pagnanakaw ang motibo ng mga suspect ngunit hindi pa rin nila iniaalis ang posibilidad na may kagalit ito na pinalabas lamang na agaw-cellphone ang insidente.

Nakikipag-usap umano sa kanyang ina ang biktima nang maganap ang krimen. Nabatid pa na ang biktima ay pamangkin ni Rep, Escudero na tatay naman ng biktima. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARELLANO

BAUTISTA ST.

BIKTIMA

DANILO GARCIA

HAWAK

HOUSE MINORITY LEADER FRANCIS ESCUDERO

IDINEKLARANG

MINI MART

ST. CLAIRE CLINIC

ZACHARY ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with