^

Metro

2 pulis utak sa P1.2 M holdup

-
Nahaharap ngayon sa patung-patong na kasong kriminal at administratibo ang dalawang pulis ng Manila Police District (MPD) matapos na pamunuan umano ang pagnanakaw ng may P1.2 milyong salapi sa isang kompanya ng softdrinks sa Tondo, Maynila kamakailan.

Kasalukuyang nahaharap ngayon sa kasong robbery hold-up at inireklamo pa sa Internal Affairs Service ang mga suspect na sina SPO1 Harry Sadiwa, nakatalaga sa District Police Intelligence Unit at PO1 Jerry Santos, nakatalaga naman sa Anti-Carnapping Unit.

Nadakip naman ang dalawang kasamahang sibilyan na sina Froilan dela Cruz at Armando Magpayo, habang pinaghahanap pa ang isang suspect na si Antonio Lala.

Sinampahan ito ng kaso ng biktimang si Noel Geronimo, may-ari ng Big AA Corporation na nasa Road 10, Vitas, Tondo.

Sa salaysay ni Geronimo, pinasok ng mga suspect ang kanyang bodega dakong alas-4 ng hapon noong Disyembre 7 na armado ng mga baril.

Agad na nagdeklara ng holdap ang mga suspect at nilimas ang benta ng kompanya na umaabot sa halagang P1.2 milyon. Habang isinasagawa ang panghoholdap, nagawang itago ng isang tauhan ni Geronimo ang scooter na gamit ng mga suspect.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspect subalit naiwan si dela Cruz dahil sa hindi nito mahanap ang kanyang scooter sanhi upang masakote ito ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.

Sa interogasyon, ikinanta ni dela Cruz ang mga kasamahang sibilyan maging ang dalawang pulis na sina Sadiwa at Santos na siya umanong utak sa holdap. Positibo ring kinilala ng mga testigo si Sadiwa sa isinagawang police-line up.

Sinabi ng biktimang si Geronimo na matagal na niyang kakilala ang dalawang pulis dahil sa madalas na nagpapalit sa kanya ng tseke ang mga ito nang walang interes kaya nagtataka siya bakit siya naisipang holdapin ng mga ito.

Nagtataka rin si Geronimo kung bakit kasalukuyang nasa aktibong serbisyo pa sina Sadiwa at Santos sa kabila na nasampahan na ang mga ito ng kaso. Nanawagan din siya sa pamunuan ng MPD na ilagay sa preventive suspension ang mga ito habang dinidinig ang kaso. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTI-CARNAPPING UNIT

ANTONIO LALA

ARMANDO MAGPAYO

CRUZ

DANILO GARCIA

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

GERONIMO

HARRY SADIWA

SADIWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with