Dance instructor patay sa ambus
January 18, 2006 | 12:00am
Inambus at napatay ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang isang dance instructor, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Patay na nang idating sa New Era Hospital ang biktimang si Dennis Gaviola, 32, binata, ng 23 Gold St., Filinvest II, Brgy. Batasan Hills Quezon City sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Felipe Tumibay ng QCPD-Criminal Investigation Division, dakong alas-12:50 ng madaling-araw nang pagbabarilin ang biktima na mga suspect na sakay ng isang kotse na hindi naplakahan sa may Commonwealth Avenue, Brgy. Old Balara, Diliman, QC. Bumalandra ang biktima sa sinasakyan nitong motorsiklo matapos ang ginawang pananambang.
Nabatid na kagagaling pa lamang ng biktima sa ballroom dancing session nang pagbabarilin ng mga suspect.
Tinitingnan ng pulisya ang anggulong love triangle matapos na magkaroon umano ito ng love affair sa isa nitong kliyenteng asawa ng isang negosyanteng Intsik.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended