Vendor kritikal sa trigger-happy na parak
January 18, 2006 | 12:00am
Isang vendor ang nasa malubhang kalagayan makaraang barilin sa likod ng isang trigger-happy na pulis, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa likod ang biktimang si Randy Culo, 27, ng Letre Road, Brgy. Longos ng nasabing lungsod.
Agad namang nag-utos ng malawakang paghahanap si Sr. Supt. Moises Guevarra, hepe ng pulisya sa nabanggit na lungsod laban sa kanyang tauhan na si SPO2 Terry Fabila na nakatalaga sa Police Community Precinct ng Malabon City-PNP.
Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa harapan ng Pagamutang Lungsod ng Malabon na nasa Lapu-Lapu Avenue, Brgy. Longos.
Ayon sa ulat, unang nakita ng mga saksi ang biktima na naglalakad kasama ang ilang kaibigan sa nasabing lugar nang makasalubong ng mga ito si SPO2 Fabila.
Nabatid na nang makalampas umano si Culo ay biglang nagbunot ng kanyang service firearm ang suspect na parak at sa hindi malamang dahilan ay ginawang target ang likod ng biktima at saka pinaputukan.
Mabilis na tumakas ang pulis matapos ang isinagawang pamamaril, habang agad ding isinugod sa pagamutan ang biktima kung saan nasa malubha itong kalagayan. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended