Russian diplomat tigok sa pool
January 17, 2006 | 12:00am
Natagpuang lulutang-lutang at wala nang buhay ang isang opisyal ng Embahada ng Russia sa swimming pool ng kanyang tinutuluyang condominium, kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Idineklarang dead-on-arrival sa Makati Medical Center ang biktima na kinilalang si Gurger Balayan, 22, Protocol officer ng Russian Federation Embassy at pansamantalang nakatira sa ikalawang palapag ng Tuscany Condominium sa Ayala Avenue, nasabing lungsod.
Sinabi ng mga doctor na namatay si Balayan bunga ng pagkalunod.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Mewily Cristobal ng Makati Police Homicide Division, dakong alas-7:15 ng gabi nang makita ng isang Korean national na si Moon Hagkim na nakatira rin sa condominium ang biktima na lulutang-lutang.
Ayon kay Hagkim, inakala pa nito na nagpo-floating lamang ang biktima dahil sa mababaw lamang na bahagi ng swimming pool ang kinalalagyan nito.
Subalit nang kanyang lapitan ay laking gulat nito na hindi gumagalaw ang naturang diplomat kaya mabilis nitong ipinagbigay-alam sa security guard na nakatalaga sa nasabing gusali.
Nagawa pang isugod ang biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na umabot pa ito nang buhay.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya kung may foul play sa insidente. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended