^

Metro

Walang ninakaw na 30-M litrong tubig ang SJDMCWD

-
quot;Walang ninakaw na tubig ang San Jose del Monte City Water District (SJDMCWD) mula sa Manila Water Sewerage System (MWSS)." Ito ang mariing sinabi ni Engr. Loreto G. Limcolioc, general manager ng nasabing ahensiya sa gitna ng akusasyon ni Trustee Amaury Gutierrez ng MWSS.

Nitong mga nakaraang araw, napaulat na ang SJDMCWD ay nagnakaw ng 30 milyong litro ng tubig araw-araw mula sa BNAQ-6 dahil sa umano’y illegal na koneksiyon nito. Paliwanag ni Limcolioc nang malaman ng SJDM CWD na iaabandona ng MWSS ang AQ-5 pagkatapos ng interconnection ng BNAQ-6, kaagad silang nagpadala ng liham sa MWSS upang mailipat ang tapping ng WTP No. 1 sa BNAQ-6 subalit hindi ito inaksyunan ng MWSS sa kabila ng malimit nilang pag-follow-up sa ahensiya.

Ang AQ-5 ang dinadaanan ng tubig na binibili ng SJDMCWD sa MWSS bago ito makarating sa WTP No. 1 ng SJDMCWD.

"Kinailangan naming kami mismo ang maglipat ng tapping ng aming registered connection, sa interes ng publiko. Mawawalan ng supply ng inuming-tubig ang 25,000 pamilya sa Sapang Palay at Towerville Resettlement Areas pagkatapos ng interconnection ng BNAQ-6," dagdag pa ni Limcolioc. Nilinaw ni Limcolioc na wala na ang tapping nang mag-inspeksiyon ang MWSS noong Enero 11, 2006. Ang ipinakitang larawan sa ilang mga diyaryo ay ang looping ng WTP No. 1 at WTP No. 2 na inaprubahan ni MWSS Acting Administrator Macra Cruz at isinagawa mismo ng MWSS.

"Magkaiba ang illegal na koneksiyon at ang paglilipat ng isang registered connection," pagdidiin ni Limcolioc.

vuukle comment

ACTING ADMINISTRATOR MACRA CRUZ

LIMCOLIOC

LORETO G

MANILA WATER SEWERAGE SYSTEM

MONTE CITY WATER DISTRICT

MWSS

SAN JOSE

SAPANG PALAY

TOWERVILLE RESETTLEMENT AREAS

TRUSTEE AMAURY GUTIERREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with