^

Metro

MMDA enforcer arestado sa teritoryo ni Binay

-
Inaresto ng pulisya ang isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos maaktuhan na nangungumpiska ng lisensya at nakuhanan ng napasong paniket sa teritoryo ni Mayor Jejomar Binay sa EDSA at Ayala Avenue kahapon ng umaga sa Makati City.

Kinilala ang suspek na si Eddie Cruz, 42-anyos, may-asawa, nakatalaga sa Traffic Operations Center ng MMDA at nakatira sa 649 Baseco St., Port Area, Manila.

Ayon kay Inspector Fredie Satorre ng Intelligence Unit ng Makati Police Station, nakumpiska kay Cruz ang isang expired traffic violation receipt (TVR), tatlong lisensya, OR/CR at driver’s licence ng isang dayuhan.

Sa isinagawang pagsisiyasat ni PO3 Larry Ilagan, dakong alas-9 ng umaga nang maaktuhan si Cruz na kinukumpiska ang lisensya ng isang Chalres Tanpoko na may vioaltion na disregarding traffice sign/signal (DTS).

Nabatid na si Tanpoko ay patungo sa airport nang parahin at pahintuin ni Cruz sa EDSA, Ayala malapit sa MRT Station.

Ikinatuwiran ni Imelda Dangel, team leader ni Cruz na ang mga nakumpiskang lisensya at expired TVR ng suspek ay napulot lamang at hindi pa naiturnover sa kanya.

Nauna rito, nagpahayag si Mayor Binay na huhulihin sa kanyang nasasakupan ang sinumang MMDA traffic enforcer na maninikit sa mga motorista. (Lordeth Bonilla)

AYALA AVENUE

BASECO ST.

CHALRES TANPOKO

CRUZ

EDDIE CRUZ

IMELDA DANGEL

INSPECTOR FREDIE SATORRE

INTELLIGENCE UNIT

LARRY ILAGAN

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with