Laban ni Pacquiao pinagtalunan: 1 todas
January 15, 2006 | 12:00am
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang obrero ang kanyang kapwa obrero makaraang magtalo hinggil sa nalalapit na laban ni Manny "Pacman" Pacquiao, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Namatay habang ginagamot sa Quezon City General Hospital (QCGH) sanhi ng 10 saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ernesto Sulla, 27, at residente ng #1031 Sabitan Ext. Proj. 7, Quezon City.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Boboy na mabilis na nakatakas matapos ang pananaksak.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:20 ng gabi sa kahabaan ng Road 8, Dangay St., Brgy. Veterans Village ng nabanggit na lungsod.
Nag-iinuman ang biktima kasama ang iba pang kaibigan nang komprontahin ng suspect hinggil sa nalalapit na laban ni Pacquiao sa Mexican na si Erik Morales.
Lumilitaw na panig ang biktima kay Pacquiao, habang kay Morales naman ang suspect.
Dala ng kalasingan, hindi nagpatalo ang biktima hanggang sa mapikon ang suspect at humantong sa pananaksak ng huli. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am